Bantag, kakasuhan sa nadiskubreng tunnel sa NBP

May posibilidad na madagdagan pa ang kasong kakaharapin ng suspendidong Bureau of Correction director general na si Gerald Bantag dahil sa nadiskubreng tunnel at paghuhukay na ginagawa sa New Bilibid Prison (NBP).

Nabatid kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinag-aaralan na ng DOJ ang posibleng kaso na isasampa kay Bantag dahil sa nadiskubreng excavation sa NBP.

Una nang sinabi ni Bantag na ang isinasagawang excavation ay bahagi ng development sa pamamagitan ng joint venture sa pagitan ng Agua Tierra Mina Oro Development Corp. (Atom).


Kamakailan ,itinanggi naman ni dating Justice Secretary at ngayon ay Solicitor General Menardo Guevarra na alam niya ang ginagawang paghuhukay sa NBP.

Sinabi umano ni Bantag na gagawing business center ang NBP ,kapalit ang 200 hektaryang lupain sa General Tinio, Nueva Ecija kung saan ililipat ang NBP.

Nalaman na ang kita.sa business center na gagawin ay 35%-65% sa pagitan ng BuCor at Atom.

Gayunman, sinabi ni Remulla na hindi “valid”,ang deal dahil wala itong pag-apruba ni Guevarra na siyang justice secretary noong unang ipinanukala ang joint venture taong 2020 .


“I thought it was rubbish. It’s a piece of paper that belongs nowhere,” ani Remulla . “If they wanted to make a proposal, it should have been to the process given by our law.”

Samantala,.sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano na may nakita silang memorandum mula kay Guevarra na para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabaing ang joint venture na ipinasok ni Bantag at Atom ay “invalid” sa simula pa lamang.

Ito ay dahil sa hindi nakapagpasa ng requirement at walang pag apruba ni Duterte. (Jantzen Tan)


Tags: Bureau of Correction director general na si Gerald Bantag

You May Also Like

Most Read