Latest News

BANTA NG NETIZENS KAY SARAH LAHBATI: HUWAG GULUHIN ANG LOVELIFE NI NADINE

By: Beth Gelena

NagKOMENTO si Sarah Lahbati sa bagong uploaded photo ni Nadine Lustre.

Say ni Sarah: “Take me with you.”

Ilang adorable photos ang kuha ng aktres na pinost niya sa kanyang IG kung saan nasa bakasyon sila ng boyfriend na si Christophe Bariou.

Kaya umani ito ng maraming komento at isa na ang galing sa estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah.

Ibig ipahiwatig kasi ng ex-wife ni Richard na dalahin din siya ng award-winning aktres sa beach getaway ng celebrity couple.

Para nga naman kasing ang sarap mag-relax and make fun under the sun sa lugar na yun.

Mas napansin ng netizens ang kagandahan ng dalaga at kung paano niya nabibigyan ng oras ang bonding moment nila ng boyfriend.

“This is the best luxury anyone should have.”

“Time to breathe,” say ng isang netizen.

“Love seeing you contented and happy.”

“She livin’ her best life.”

Pero may isang nagkomento para kay Sarah: “Naku SL wag mo nang gawing miserable buhay mo. Hahaha.. Gusto mo talaga maging third wheel kay Nadine at Chris, ha? Guguluhin mo lang buhay nila eh.”

Tags:

You May Also Like

Most Read