ITO ang sinasabing dahilan ng legal team ni Congressman Arnulfo Teves kaya nanindigan itong huwag na munang umuwi ng Pilipinas kahit pa hindi aprubahan ang hinihiling niyang dalawang buwang ‘absence of leave’ sa Kongreso.
“Very reliable information “ umano impormasyong ipinarating kay Negros Oriental Representative Arnie Teves hinggil sa kanyang seguridad oras na bumalik ito ng bansa.
Sinabi Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga abogado ng kongresista na matibay ang impormasyong natanggap ng kanyang kliyente hinggil sa posibleng kahinatnan niya pagbalik ng Pilipinas.
Dahil ditto, possible umanong hihintayin muna ng kongresista na humupa ang mga banta sa kanyang kaligtasan bago bumalik ng Pilipinas.
Kaugnay , kinailangan magpaliwanag sa House Committee on Ethics ang kampo ni Teves hinggil sa hindi nito pag-uwi sa bansa sa kabila ng napaso niyang travel authority noon pang Marso 9.
Itinakda naman sa Marso 22 ang pagdinig sa mga kasong kinakaharap ni Teves kaugnay ng nasamsam na mga baril, bala at pampasabog sa mga bahay niya sa Negros Oriental.
Una ng iginiit ng legal team ni Teves na walang direktang ebidensya laban sa kaniya ang mga alegasyong nauugnay sa kasong pamamaslang kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo.
Ayon kay Atty. Topacio pawang mga “hearsay” lamang ang nasabing mga alegasyon.
Base ito sa mga pinakalat na video kamakailan na sinasabi ng mga suspek sa ginawang chance interview na “mayroon daw silang isang ‘Marvin’ na nakausap na di umano’y middleman ng mga guns for hire na ang nag utos nito ay isang Congressman Teves.”.
Dahilan para sabihin umano, kung bakit walang direct evidence laban kay Cong. Arnie Teves hinggil sa pagkakadawit ng pangalan nito bilang mastermind sa pagpapapatay kay Degamo.
Nagpasalamat naman ang kampo ni Teves sa assurance na ibinigay ni House Speaker Martin Romualdez para sa kanyang seguridad oras na bumalik ito sa bansa. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)