Bank account ni Erap at mga asawa, pinaiimbestigahan ng SC sa Ombudsman

Iniutos ng Supreme Court (SC) sa Office of the Ombudsman na ituloy ang imbestigasyon sa bank account ni dating Pangulo Joseph Estrada at ng kanyang mga asawa.

Sa desisyong inilabas sa publiko ng SC ,ibinasura nito ang petisyon isinampa ng Philippine National Bank, kung saan nagkamali umano ang Court of Appeals (CA) sa kanilang hatol noong 2006 na nagbasura sa plea na pigilan ang Ombudsman na atasan si Estrada at ang mga mistress nito na ilabas ang kanilang bank accounts.


Kabilang na ditoang bank records nila dating San Juan City mayor Guia Gomez, Laarni Enriquez, Joy Melendrez, Peachy Osorio, Rowena Lopez, Kevin or Kelvin Garcia at Jose Velarde na siyang pokis ng imbestigasyon ng Ombudsman matapos nitong mag-resign bilang Presidente noong 2001.

Sinabi ng SC na walang kapangyarihan ang CA na mag-review ng orders at desisyon binuo ng Ombudsman sa kasong kriminal at hindi administratbong kaso.

Iginiit ng SC na si Estrada ay nahatulan sa kasong kriminal matapos mapatunayang guilty sa kasong plunder.


Ayon sa SC, sa kabila nang naibalik kay Estrada ang kanyang civil at political rights matapos siyang pagkalooban ng executive clemency noong 2007 ng pumalit sa kanya na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, maari pa ring ituloy ng Ombudsman ang imbestigasyon sa kanyang bank account at ng kanyang.mga asawa.

Ayon pa sa SC, ang Ombudsman ay may awtoridad na makita ang bank account ng public officials at empleyado na isinasailalim sa imbestigasyon ng gobyerno.


“The prevailing doctrine is that the OMB may examine and access bank accounts and records in their investigation, even without a pending litigation,” dagdag pa ng SC. (Philip Reyes)


Tags: Joseph Estrada

You May Also Like

Most Read

Latest News