Ang Bangladeshi na inaresto ng PNP-AVSEGROUP.

BANGLADESHI NA MAY ARREST WARRANT, ARESTADO SA NAIA

By: Jerry S. Tan

INARESTO ng mga tauhan ng PNP- Aviation Security Group at Pasay City Police Station ang isang lalaking Bangladeshi national na may kinakaharap na kaso, paglapag nito sa Arrival Area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong hapon ng Lunes, October 27, 2025.

Napag-alaman na sa pamamagitan ng koordinasyon ng Pasay City Police Station-Station Intelligence Section sa NAIA Police Station 3 ay naaresto ang akusado nang dumating ito mula Bangkok,Thailand, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag niya sa Section 155 o Trademark Infringement na may kaugnayan sa Section 170 ng Republic Act 8293 o mas kilala bilang Intellectual Property Code of the Philippines.


Ang kinakaharap na kaso ay may rekomendadong piyansa na P10,000.

Ipinaliwanag sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkaka-aresto at ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine, gamit ang wikang kanyang nauunawaan. Gumamit din ng Alternative Recording Device bilang bahagi ng standard operating procedure ng pulisya.

Nasa kustodiya ng Pasay City Police Station-Station Intelligence Section ang akusado para sa dokumentasyon at iba pang legal na proseso.

Ayon kay PBGen Jay Reyes Cumigad, Director of PNP AVSEGROUP, “Lokal man o dayuhan, kapag pumasok ka sa paliparan na may kinakaharap na kaso, tiyak na haharap ka sa batas. Naninindigan ang AVSEGROUP katuwang ang mga airport authorities at mga lokal na yunit, na protektado at ligtas ang bawat pasahero sa lahat ng paliparan ng bansa.”


Tags: PNP-Aviation Security Group

You May Also Like