Latest News

BANGKAY NI COHEN, DINALA NA SA ISRAEL

By: Jerry S. Tan

Dinala na sa NAIA cargo ang bangkay ng Israeli national na si Yitshak Cohen, na pinatay kasama ang kasintahan niyang si Geneva Lopez sa Tarlac.

Mula sa Pasay funeral parlor ay dinala Miyerkules ng umaga ang bangkay ni Cohen sa NAIA Cargo para ilipad na patungo sa Tel Aviv, Israel upang mabigyan ng wastong uri ng libing batay sa kanilang relihiyon, na anang kapatid nito ay nalabag lahat sa ginawa sa biktima.

Sakay ng Etihad Airlines ang bangkay ni Cohen, kasama ng pamilya niya na umaasa ng mabilis na hustisya sa pagkamatay ng kanilang kaanak

Kung susundin umano ang Jewish tradition ay lagpas na ang mga araw na dapat ilibing ang biktima.

Magugunitong natagpuan ang mga labi ng dalawang magkasintahan na sina Cohen at Lopez sa isang bakanteng lote sa Tarlac, matapos na makipag- transaksyon sa bibilhin sana nilang lupa.

Pinatay umano ang dalawa ng mga suspek na dating mga pulis at ngayon hawak na ng PNP.

Nagtamo ng tig-dalawang tama ng baril ang mga biktima bago itinapon sa isang hukay na tinabunan ng lupa.

Tags:

You May Also Like

Most Read