Bangkay ng quality control officer, nadiskubre dahil sa cellphone alarm

Dahil sa walang tigil na alarm ng kanyang cellphone, nadiskubre kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila na wala nang buhay ang isang 26-anyos na quality control officer.

Kinilala ni PSSg Zoilo Nazario, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Zyrus Abejo, ng 928-B Sisa St.Sampaloc,Maynila.


Ayon sa Ina ng biktima,alas- 5 ng umaga nang marinig niya na na nag-alarma ang cellphone ng anak habang nagluluto

Nagtataka umano siya kung bakit patuloy ang pag -alarma ng cellphone ng biktima makalipas ang mahigit isang oras kaya kinatok niya na ang dingding sa kuwarto ng anak pero hindi pa rin sumasagot , dahilan para silipin na niya ito sa kuwarto.

Laking gulat niya nang makita ang anak na matigas na at wala nang buhay kaya’t ini-report niya ito sa barangay.


Huli umano niyang nakitang buhay ang anak alas-10 ng gabi bago ito matulog.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Latest News