Bangkay ng nalunod na PCG apprentice, isinailalim ng NBI sa awtopsiya

By: Baby Cuevas

Isinailalim na sa awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bangkay ng Philippine Coast Guard (PCG) apprentice na nasawi matapos umanong malunod sa isinasagawang training sa karagatan sakop ng Cavite.

Nabatid na ang insidente ng umano’y pagkalunod ni PCG personnel Mori Caguay ay iniimbestigahan na rin ng NBI-Death Investigation Division (DID) at inihahanda na ang report ukol dito.


Hinihintay pa umano ng NBI ang inisyal na imbestigasyongisinagawa ng PCG at ng Cavite Police.

Una nang dumulog sa NBI ang pamilya ng biktima para maimbestigahan ang insidente sa posibilidad na nagkaroon ng ‘foul play’ sa pagkamatay ni Caguay, 30, at residente ng Purok ll, Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa ina ng biktima,nagsagawa ng Water Search And Rescue Training (WASAR) ang PCG personnel kasama ang kanyang anak sa Sangley Point, Cavite City nitong Nobyembre 16 dakong alas-3:30 ng hapon.


Habang nasa kalagitnaan umano ng pagsasanay sa karagatan ay nalunod ang kanyang anak.

Naitakbo naman umano ang biktima sa Pedro Calungsod Medical Center, Kawit, Cavite at doon naratay hanggang sa ideklarang ‘brain dead’ na.


Nagsampa ng reklamo ang ina ng biktima laban sa mga training staff ng PCG-MSSC.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like