Latest News

BANGKAY NG LALAKI, NATAGPUANG LUMULUTANG SA MANILA BAY

By: Baby Cuevas

Natagpuang patay ang isang lalaki na lumutang sa Manila Bay kahapon.

Maliligo umano sana sa dagat ang ilang kabataan sa lugar nang mapuna ang bangkay, kaya’t kaagad itong ipinagbigay-alam sa kanyang ina, na tumawag ng mga awtoridad na siyang nag-ahon sa bangkay.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng ilang araw nang nakababad sa tubig – dagat ang biktima bago ito nakita dahil sa pamamaga nito.


Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima.

Ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa punerarya para sa kaukulang awtopsiya at safekeeping.


Tags: Manila Bay

You May Also Like

Most Read