ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa isang barge pool sa Port Area, Manila kahapon ng umaga.
Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan lamang na nakasuot ng itim at dilaw na garter shorts.
Ayon sa ulat ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District (MPD), dakong alas-8 ng umaga nang madiskubre ang bangkay sa isang barge pool sa Baseco Compound sa Port Area, sakop ng Barangay 649.
Kasalukuyan umanong nag-iikot ang testigong si Marlon Alejandro, 53, caretaker ng M/V Don Mateus, nang makita niya ang bangkay kaya’t kaagad niya itong ini-report sa mga awtoridad.