Latest News

Bangkay ng lalaki, lumutang sa pumping station

By: Baby Cuevas

Bugbog-sarado ang mukha at basag ang ngipin ng bangkay ng isang di nakikilalang lalaking lumutang sa isang pumping station, kamakalawa ng hatingggabi sa Binondo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District -homicide section, wala rinG suot na damit ang biktima .

Ayon sa imbestigasyon, maga-alas 12 ng hatinggabi nang makita ng mga naghahakot ng basura sa naturang pumping station ang biktima.


Hinihinalang pinahirapan muna ang biktima saka itinapon ng mga di nakikilalang suspek sa lugar.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD para matukoy ang motibo ng krimen.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read