Natagpuang bangkay ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang isang 26-anyos na laborer na diumano ay nagbigti kahapon ng umaga sa ikalawang palapag ng ginagawa nilang multi -purpose building sa Asyete St , Sta. Mesa, Maynila.
Kinilala ni PSSg John Rupert Agustin, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si John Laurence Degozar, 26 at taga Barangay San Miguel Puerto Pincesa City Palawan.
Sa kanyang pahayag sa pulisya, sinabi n i Joey Palatino, 36,kasamahan sa trabaho ng biktima, na naghahanda na siya para magtrabaho nang makita niya ang biktima alas- 5:45 na nakabigti gamit ang isang nylon na lubid na itinali sa isang nakausling bakal sa ikalawang palapag ng gusali. Kaagad nitong tinawag ang ibang kasamahan para maibaba ang biktima.
Ayon naman kay Joseph Moral,41 at kasamahan ng biktima noong Abril 3 ay nilapitan siya ng biktima at sinabi nito na siya ay nasa mahirap na sitwasyon sa kaasalukuyan.
Nang itanong naman ni Moral kung bakit ay tumanggi ang biktima na sabihin ang problema at hindi umano niya itong sabihin kahit kanino.
Anang pulisya, huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa ng gabi habang nakaupo at nagce-cellphone sa groundfloor ng gusali.














