Tinadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang di nakikilalang lalaki bago isinilid sa sako at itinapon sa bunton ng basura,kahapon ng umaga sa Baseco,Port Area,Maynila.
Ayon kay P/ Lt.Col. Rodel Borbe ,station commander ng Manila Police District – Police Station 13,nakatali rin ang dalawang kamay nito sa likuran ng katawan at inatayang nasa 25 – 30 anyos, 5’4 ang taas , nakasuot ng itim na t- shirt at asul na shortpants.
Alas 6 ng umaga nang matagpuan anh sako ng isang tauhan ng Department of Public Safety ( DPS) sa isikinita ng Block 15 Baseco,Port Area,Maynila.
Ayon kay Elmer Flotina, 29 , ng DPS , inakala umano nito na mapapakinabangan ang nakasilid sa sako kaya binukatlat pero nang bulatlatin, nagulat siya dahil patay na lalaki ,ang laman ng sako.
Kaahad umano niya itong ini-report kay Borbe na siyang tumawag sa MPD-homicide section.
Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung sino ang nag-iwan ng sako sa lugar.
Naniniwala ang pulisya na hindi pa natatagalan na pinatay ang biktima dahil sariwa pa ang dugong nakita sa sako. (Philip Reyes)














