Apat na katao ang sugatan na kinabibilangan ng driver at tatlong pasahero, matapos na mabangga ng truck ang isang ‘toktok’, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Napag-alaman sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) na kapwa. umano binabagtas ng toktok at trak ang kahabaan ng Mel Lopez Boulevard corner Moriones Street bandang 9:25 ng gabi nang maganap ang banggan.
Nasa northbound lane umano ang Sinotruck na may plate number NIN-6750 at minamaneho ni Crisale Mista Montesser, 55, ng Palacio Street Balian Pangil Laguna habang westbound naman ang Electric Bike Toktok na.minamaneho ni Rudolf Abad,35, ng No. 821 Mercado Street, Dagupan, Tondo, Manila, nang tamaan ng trak ang kaliwang bahagi ng toktok pagdating sa intersection.
Sa lakas ng impact ay nasugatan ang driver at tatlong pasahero ng toktok.
Dinala sa ospital ang mga biktima pero pinayagan namang makauwi matapos malapatan ng lunas.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng MDTEU ang driver ng truck.














