BANGAAN NG 2 MOTORSIKO, ISA PATAY, 2 SUGATAN

By: Philip Reyes

Patay ang isang rider habang dalawa pa ang sugatan nang magkabanggaan ang kanilang sinasakyang mga motorsiklo sa isang pakurbadang kalye sa Morong, Rizal nitong Linggo.

Dead- on- arrival sa Rizal Provincial Hospital ang biktimang si Roxan Amera, 31, panadero, residente ng Sitio Pulang Lupa, Brgy. Dulong Bayan, Teresa, Rizal, bunsod ng tinamong matinding pinsala sa ulot at katawan.


Sugatan naman ang kanyang backrider na hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan, gayundin ang rider ng nakabanggaan nitong motorsiklo na si John Orca, 29, na residente rin ng Morong.

Batay sa ulat ng Morong Municipal Police Station, dakong alas-4 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Sitio Dulo, Brgy. San Guillermo, sa Morong.

Nauna rito, minamaneho umano ng biktima ang isang maroon na Honda Click 125 at may plakang D597PT at binabagtas ang naturang lugar patungong San Guillermo proper.


Pagsapit sa palikong bahagi ng kalsada, bigla umanong nag-overtake ang biktima sa itim na Sym Bonus motorcycle, na nauuna sa kanya at minamaneho ni Orca, dahilan upang magresulta sa bangaan.

Bunga ng impact ng banggaan, sumemplang ang motorsiklo ni Orca sa kalsada na ikinasugat nito, habang nawalan naman ng kontrol sa kanyang motorsiklo si Amera at bumangga sa isang konkretong pader, na nagresulta sa kanyang pagkasawi.


Tags: Morong Municipal Police Station

You May Also Like