Ballot verification, inaasahang matatapos sa Abril 20

By: JANTZEN ALVIN

Inaasahan umano ng Commission on Elections (Comelec) na pagsapit ng Abril 20 o 21 ay matatapos na nila ang isinasagawang beripikasyon ng mga balota na gagamitin para sa May 12 National and Local Elections (NLE).


Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na uunahin nilang beripikahin ang mga balota para sa malalayong lugar at pagsapit ng Abril 15 hanggang 20 ay ang mga balota naman sa malalapit na lugar, kabilang sa Metro Manila, ang kanilang beberipikahin.

Ayon kay Garcia, ang proseso ng beripikasyon ng mga balota ay mayroong dalawang bahagi.

Kabilang dito ang manual verification na isinasagawa ng kanilang mga personnel at ang beripikasyon na isinasagawa naman ng mga makina.


Sinimulan ng poll body na mag-focus sa ballot verification matapos na makumpleto ang ballot printing noong nakaraang linggo.

Ani Garcia, ang distribusyon ng mga balota na natapos nang iberipika ay magsisimula sa ikalawang linggo ng Abril, habang ang distribusyon naman ng mga voter information sheets (VIS) sa buong bansa ay isasagawa ng poll body mula sa Abril 1 hanggang 30.


Ipinaliwanag ni Garcia na sa VIS makikita ang pangalan ng mga botante, detalye ng mga presinto, mga paalala sa halalan at listahan ng mga kandidato para sa national at local elections.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like