Ballot printing para sa 2025 NLE, sinimulan na ng Comelec

By: Carl Angelo

SINIMULAN na nitong Lunes ang pag-iimprenta ng Commission on Elections (Comelec) ng mga balota na gagamitin para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE).

Isinasagawa ang ballot printing sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City at ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, nasa 71,076,588 na balotan gagamitin sa halalan ang kanilang iiimprenta.


Una na rin namang inilabas ng Comelec ang template ng official ballot para sa printing.

Nakasama sa balota ang 66 na senatorial aspirants habang 155 naman ang party-list groups.

Ayon sa Comelec, nasa 68 milyon ang rehistradong botante sa buong bansa para sa midterm polls.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like