Latest News

Ballot faces na ginamit sa Eleksyon 2022, binura na ng Comelec sa servers ng NPO

BINURA na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules sa servers ng National Printing Office (NPO) ang mga mukha ng mga balota na ginamit para sa May 9, 2022 national and local elections.

Senyales ito na tapos na ang Eleksiyon 2022 sa bansa.

Ayon kay Comelec-Education and Information Department (EID) director James Jimenez, kailangang alisin ng poll body ang mga ballot faces mula sa NPO servers dahil tapos na ang kanilang operasyon doon.

“In order to do that, to exit from the NPO completely, one of the last things that we need to do is we need to remove Comelec data from the NPO server,” ani Jimenez.

“Ang mangyayari ngayon is to delete these [ballot faces] from the servers of the NPO and this is preparatory to finally pull it out of the NPO kasi tapos na po ang trabaho ng Comelec dito sa NPO,” aniya pa.

“Again, this is the ultimate step, after this step, ang pagtanggal ng ating information sa NPO, pull out na tayo,” dagdag pa niya.

Ani Jimenez, bukod sa ‘precinct-specific ballots’ na ginamit sa halalan, buburahin din ng Comelec ang mga ginamit para sa kanilang roadshow, gayundin ang mga test ballots, at mga balotang ginamit para sa overseas voting.

Tiniyak naman ni Jimenez na magtatabi pa rin sila ng kopya ng mga naturang ballot faces at iba pang datos na ibinahagi nila sa NPO.

Aniya pa, kailangan ring bakantehin nila ang NPO para magamit ng ahensiya ang kanilang pasilidad para sa iba pang proyekto. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read