Latest News

BALIKATAN 37-2022 SIGNAL SA BUONG MUNDO NG MATIBAY NA ALYANSA NG PILIPINAS AT U.S

OPISYAL nang binuksan kahapon ang pinakamalaking RP –US BALIKATAN joint war exercise na sinasabing pagpapakita sa buong mundo ng matibay na ugnayan ng Pilipinas at ng united States of America, ayon sa Department of National Defense.

Sa mensahe ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na binasa ni USEC Gardozo Luna ay sinabi nitong ang idaraos na Balikatan exercise ngayong taon ay pagpapahatid ng mensahe sa buong mundo na nanatili ang matatag na ugnayan ng Pilipinas at ng United States .

Ayon kay Defense Secretary Delfin Loenzana, “this year’s balikatan exercise is no ordinary iteration because it is the largest edition ever held, with almost 9,000 participants from the Armed Forces of the Philippines and the United States Indo-Pacific command. “ we are, thus, sending a message to the world that the alliance between our countries is stronger than ever and that we remain committed to stand shoulder-to-shoulder in response to the evolving security challenges that face both our nations and the region.”


Mismong si AFP chief of staff General Andres Centino ang nagbaba ng hudyat sa opisyal na pagbubukas ng RP-US Balikatan 37-2022 na umano’y isang magandang pagkakataon para magamit din ang mga makabagong sandata na binili ng Defense Department sa ilalim ng kanilang AFP modernization program tungo sa isang credible defense force .

Inihayag naman ni Philippine Army commanding general LtGen. Romeo Brawner na ang gaganaping annual balikatan ay magsisilbing tuntungan bilang paghahanda sa itinatatag na brigade combat ready force.

Ayon kay Brawner, target niyang makabuo ng tatlong brigade combat teams na may kakayahang i-deploy anumang oras, saan mang lugar.anumang banta, kabilang na ang external threat na pinaghahandaan na ng hukbong katihan dahil nararamdaman nilang matatapos na rin ang kanilang suliranin sa internal defense bunsod ng unti -unting pagkadurog ng insurgency at pagkawasak ng CPP-NPA terrorist group.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni AFP Northern Luzon Command chief LtGen. Ernesto Torres kung saan gaganapin ang majority ng war games at humanitarian assistance and disaster response exercises, MEDCAP at ENCAP and seguridad ng lahat ng kasali sa taunang joint exercises.


“Asahan ninyo ang buong-buong suporta ng Northern Luzon Command sa gaganaping pagsasanay na sasalihan ng mga makabagong fighter planrs ng U.S at maging ng Philippine Air Force , mga makabagong kagamitang pandigma at sandata,” ani LtGen. Jun Torres. (VICTOR BALDEMOR)

 

Tags:

You May Also Like

Most Read