NAGSIMULA nang maglayag kahapon ang mga barko ng Philippine Navy, French Navy at United States Navy mula Puerto Princesa Palawan para sa MARINE Multilateral Exercise (MME) na bahagi pa rin ng Balikatan 39-2024 iteration.
Bukod sa anim na barko ng Philippine Coast Guard na sasali sa Balikatan ay mangunguna naman ang Phil Navy BRP Ramon Alcaraz (PS-16), BRP Davao del Sur (LD-602) ang French navy FS Vendemiaire at USS Harpers Ferry ng United States sa ilulunsad na maritime exercise mula eastern coast ng Palawan, papuntang Mindoro Straight hanggang Northern Luzon.
Ayon sa initial information na ibinahagi ni AFP Western Command spokesman Captain Ariel Coloma, matatapos ang multilateral maritime exercise hanggang April 29, “ang mga barko natin ay magbe-breakaway na, dahil may iba-iba rin silang commitment sa Balikatan exercise, like si LD 602 committed ito sa amphibious assault.’
Ang offshore Patrol Ship 16 Ramon Alcaraz at FS Vendemiaire ay magsasagawa ng bilateral sail samantalang ang USS Harpers Ferry ay may independent mission kung saan ito susunod na mago-operate, ani Capt Coloma.
Naniniwala si ist Marine Expeditionary Force Commanding General LTGen. Michael Cderholm na nagsisilbing “perfect training ground” para sa bagong Comprehensive Archipelagic Defense Concept na isinusulong ng Department of National Defense ng Pilipinas ang Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ay dahil nakasentro sa pagsasagawa ng Integrated air missile defense, cyber defense at iba pang drills ang mga nakalatag na pagsasanay bilang bahagi ng paghahanda ng kasundaluhan laban sa mga external threats.
Kung maaalala, bukod sa Amerika ay makakasama rin ng Pilipinas ang iba pang mga kaalyadong bansa tulad ng Australia, France, bukod pa sa 14 observer allied countries.














