Latest News

Balik simba, isinulong ng CBCP

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na pumunta na sa simbahan para sa nakaugalian na banal na misa tuwing linggo.

Ayon sa Circular No. 22-36, na inilabas ng CBCP ni CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David kumonti ang nagpupunta sa simbahan noong kasagsagan ng pandemya.

Sanhi na isinailalim na ng mga health authorities ang bansa sa mas maluwag na health protocols ay malaya na rin aniyang nakakagalaw ang mga mamamayan at balik na rin sila sa normal na pamumuhay at negosyo.


Sanhi nito, maaari na rin magtungo ang mga ito sa mga simbahan upang pisikal nang dumalo sa mga banal na misa.

“With gratitude to God, the pandemic has weakened, and our official health experts have placed the country into more relaxed health protocols. This has made our people move freely and return to their normal life and business with ease, but still following some basic health protocols,” ayon kay David.

Inatasan rin ni David ang mga miyembro ng mga diyosesis na tiyakin na ang lahat ng health protocols ay nananatiling mahigpit na naipatutupad upang mabigyan ng kasiguruhan ang mga parishioner na sila ay ligtas sa loob ng mga simbahan. (Jaymel Manuel)


Tags: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)

You May Also Like

Most Read