Latest News

BALIK ESKUWELA NG PNP, HINDI NINGAS-KUGON

“ITS all systems go” na para sa Philippine National Police, kaugnay ng pagbubukas ng klase sa Lunes, August 22, kung saan inaasahan na ang pagdagsa ng milyon-milyong mag-aaral, partikular sa Kalakhang-Maynila.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tuloy-tuloy ang kanilang deployment ng pwersa sa ilang strategic areas kabilang dito ang Divisoria, na inaasahang dudumugin ng mga maghahabol na mamimili .

Sinasabing nasa 23,000 hanggang 24,000 force multipliers ang ipapakalat upang magbigay seguridad sa nalalapit na pasukan, habang ang PNP-NCRPO naman ay magtatalaga ng mahigit sa 5,000 tauhan sa university belt at iba pang paaralan at unibersidad sa kalakhang-Maynila

Bukod sa pinaigting na police visibility ay naglatag na rin sila ng police assistance desks sa mga paaralan upang tumugon sa security concerns.

Tiniyak ni Col. Fajardo na hindi ningas- kugon lamang ang kanilang ipapakitang paghahanda sa pagbabalik- eskuwela ng humigit-kumulang sa 25 million na estudyante dahil magtutuloy-tuloy aniya ito sa kabuuan ng schoolyear 2022-2023. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read