Latest News

BALASAHAN SA PNP, NAKAAMBA

By: Victor Baldemor Ruiz

NAKA AMBA na magkaroon ng balasahan o galawan ng posisyon sa hanany ng Philippine National Police kasunod ng pagkakahirang kay PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr. bilang bagong pinuno ng pambansang kapulisan.

Ito ay bunsod nagging epekto ng pagkakatalaga kay General Acorda at sa pagreretiro ni dating PNP chief Rodolfo Azurin Jr., na lumikha ng mga bakanteng posisyon.


Bukod sa mga magaganap na galawan ay may mga nakatakda ring magretiro sa hanay ng third level o mga senior PNP officers.

Subalit bago umano magkaroon ng reshuffle ay dadaan muna sa pagsusuri ang mga key officers ng PNP hinggil sa kanilang performance.

Ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol Redrico Maranan, layun ni General Acorda na busisiin ang statistics accomplishments ng mga commander ng PNP bago siya magdesisyon hinggil sa pagpapatupad ng panibagong balasahan sa PNP hierarchy.


Layun din umano nito na matiyak na ang mga susunod na police officers na mapo promote sa kanilang tungkulin ay walang bahid ng katiwalian, o pagkakasangkot sa mga ilegal na gawain, lalo na sa kalakalan ng ilegal na droga.

Nabatid na inaasahan na magkakaroon ng changing of guard sa hanay ng kapulisan dahil ito sa napipintong pagreretiro sa serbisyo ng ilang senior officials ng PNP.


Magugunitang naghain ng kanilang courtesy resignation ang mga senior police officers sa kahilingan ni SILG Atty Benjamin Abalos kaugnay sa isinagawang paglilinis sa kanilang hanay ng mga tiwali at sangkot sa illegal drug operation.

Subalit karamihan sa mga third level officers ng Pambansang Pulisya ay nakatakda nang magretiro ngayong taon kaya kinakailangan na agad na mapunan ang mga mababakanteng nilang posisyon .


Tags: Philippine National Police

You May Also Like