Bala, ipinutok sa pader, tumama kay tiya

Sugatan ang isang 64-anyos na matandang babae matapos na tamaan sa hita ng bala na pinaputok sa pader ng kanyang pamangkin nang magalit ito sa kinakasama, kamakalawa ng.madaling araw sa kanto ng Arellano Avenue at Cadena De Amor Street, Malate, Maynila.

Dinala sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktima nakilalang si Veronica Ramirez, ng No. 2301 Dama Noche Street, Brgy. 753, Malate, Maynila.

Tumakas naman ang suspek na si Mark Galicia,30 ,negosyante, ng No. 2334 Dama De Noche St., Brgy 753, Malate,at pamangkin ng biktima.


Ayon sa inisyal na ulat, naganap umano ang insidente alas-3 ng madaling araw matapos ang pag-aaway ng suspek at kanyang kinakasama.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at ka-live in nito at nang mabwisit ay kinuha ng suspek ang kanyang baril at sunod-sunod na nagpaputok sa pader.

Gayunman,isang bala ang tumalbog pabalik at tumama sa kanang hita ng biktima.

Kasunod nito ay kaswal lamang na naglakad paalis ang suspek bitbit ang kanyang baril.


Sinamahan naman ni PMaj Bryan Ramirez,nakatalaga sa Northern Police District (NPD) at stepbrother ng suspek, ang biktima para ireklamo si Galicia ng serious physical injury sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)

Tags: Northern Police District (NPD)

You May Also Like

Most Read