PINALIBUTAN ng mga pulis ang bahay ng isang municipal vice mayor sa lalawigan ng Abra sa hinalang dito nagkukubli ang mga armadong kalalakihan na naka barilan ng pulis sa siang checkpoint.
Sa inisyal na ulat na nakarating sa PNP headquarters, kinordonan ng mga pulis ang bahay ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono na sinasabing pinagkublihan ng mga armadong kalalakihan.
Sinasabing nilampasan ng mga tinutugis ang police checkpoint at pinaputukan pa umano ang mga pulis sa checkpoint area ng mga lalaking lulan ng sasakyan ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono bago dumiretso sa bahay nito.
Batay sa ulat ng PNP Cordillera Administrative Region alas-10:30 ng kahapon ng habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga pulis sa Brgy. Poblacion, Pilar, Abra at tangkain nilang pahintuin ang puting Toyota Hi-Ace sakay ang mga hindi matukoy na kalalakihan.
Hindi umano ito huminto sa halip humarurot kaya hinabol sila ng mga pulis at pinaputukan sila ng mga sakay ng van kaya gumanti sila ng putok.
Sinasabing hindi tinigilan ng mga pulis ang hinahabol na grupo lulan ng sasakyan ng vice mayor kaya natukoy na dumeretso ito sa bahay ng bise alkalde.
Kasalukuyan nang sinisiyasat ng higher headquarters ang insidente. (VICTOR BALDEMOR)