Bahay ng 12 pamilya, bumagsak sa dagat

By: Baby Cuevas

Bumagsak sa dagat ang mga ‘shanties’ na inookupa ng 12 pamilya kamakalawa ng gabi sa Isla Bungad, Isla Puting Bato, Barangay 20, Tondo, Maynila.

Masuwerteng walang nalunod o nasugatan sa mga pamilyang nakatira, bagama’t sa dagat na nila dinampot ang kanilang mga kagamitan na kasamang nahulog.


Sa ulat ng Manila Police District -Station 12 ,nangyari ang insidente alas- 5 ng hapon pero naitawag ito sa pulisya nang alas- 10:30 ng gabi.

Naganap ang pag-collapse ng mga shanty habang namamahinga na ang mga pamilyang nagtayo ng kanilang mga bahay sa dagat.

Dinala ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ng hepe nitong si Arnel Angeles, ang may 12 pamilya na nawalan ng bahay sa Delpan Evacuation para maging pansamantala nilang tirahan.


Tags: Manila Police District-Station 12

You May Also Like

Most Read