Latest News

BAHAGYANG PAGTAAS NG COVID, NAITALA NG DOH

By: Philip Reyes

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, bagama’t tiniyak nito na walang dapat na ipangamba ang publiko dahil nananatili pa rin umanong nasa ‘low risk’ ang lahat ng rehiyon at wala pa ring scientific basis para magpatupad ng travel restrictions sa alinmang bansa.

Sa datos ng DOH, hanggang Mayo 12, 2024 ay nasa 11% lamang o 119 mula sa 1,117 dedicated COVID-19 ICU beds ang okupado habang 13% lang o 1,238 ng 9,571 dedicated COVID-19 non-ICU beds ang ginagamit.

Ayon naman umano sa mga ulat ng mga pagamutan sa DOH Data Collect application, nasa 116 lamang ang COVID-19 cases na malala at kritikal ang lagay at naka-admit.

Mula Mayo 7 hanggang 13, 2024 ay nasa 877 bagong COVID-19 cases ang naiulat ng DOH, o may average na 125 kaso kada araw.

Sa mga naturang bagong kaso, pito ang klasipikadong severe o critical disease habang lima ang namatay, na naganap mula Abril 30 hanggang Mayo 13.

Base naman umano sa May 17, 2024 World Health Organization (WHO) COVID-19 Epidemiological Update, mayroong tatlong bagong ‘variants under monitoring (VUM)’ at kabilang dito ang JN.1.18, KP.2 at KP.3, na pawang ‘descendants’ ng JN.1.

Ang variants na KP.2 at KP.3 umano ay ang ‘proper names’ ng tinaguriang “FLiRT” variants.

Nilinaw ng DOH na wala pang nakikitang sapat na ebidensiya na ang mga naturang variants ay nagreresulta sa severe to critical COVID-19, locally man o internationally.

“There is no scientific basis for travel restrictions to any country because of an increase in COVID-19 cases. Further assessment is needed to determine transmissibility and capacity to evade immune response,” anang DOH.

“Good respiratory hygiene (covering coughs), washing hands, choosing less crowds, and ensuring good airflow and ventilation are tried and tested ways to prevent ILIs including COVID-19. It is also best for those who feel ill to stay at home for the meantime, or to properly wear a mask should there be a need to go out,”dagdag pa nito.

Tags:

You May Also Like

Most Read