Latest News

BAHAGI NG PAGCOR AT PCSO REVENUES, IPINARE-REMIT NG SC SA PSC

By: Philip Reyes

IPINAG-UTOS ng Supreme Court en banc sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na i-remit ang bahagi ng kanilang kita sa Philippine Sports Commission (PSC).

Sina (nakaputi) NBI Director Jimmy Santiago at BI Commissioner Norman Tansingco para salubungin ang pagdating ng kapatid nu Mayor Guo at kasamahang si Cassandra Ong. (JERRY S. TAN)

Ayon sa isang uninanimous decision na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, ito ay para mapondohan ng PSC ang pangangailangan ng mga Pilipinong atleta.

Bago niyan ay isang petisyon ang inihain sa SC para obligahin ang PAGCOR, PCSO at ang Office of the President (OP) na mag-remit ng pondo sa PSC alinsunod sa Republic Act No. (RA) 6847, o batas na lumikha sa PSC.


Diumano, ang hindi pagre-remit ang dahilan kung bakit kulang ang pondo ng PSC para sa sports development projects.

Ayon kay Guiao, nabigo ang PAGCOR sa funding requirements sa ilalim ng Section 26 of RA 6847, para sa awtomatikong remitance sa 5% ng gross income ng Pagcor sa PSC para sa National Sports Development Fund.


Gayundin, ang PCSO ay nabigo umanong mag-remit ng 30 percent ng kanilang charity fund ng kita mula sa six sweepstakes o lottery draws kada taon mula 2006.

Iginiit ng Pagcor sa kanilang argumento na hindi makukuha ng PSC ang buong limang share, dahil ibabawas dito ang franchise tax, 50% share ng national government at 10% subsidy ng National Power Corporation.


Nilinaw naman ng PCSO ang alokasyon ng PSC ay magmumula sa sweepstakes draw at hindi sa lotto games.

Inatasan ng korte ang PAGCOR na kuwentahin at i-remit nang buo ang 5% ng kanilang gross income mula 1993 hanggang sa kasalukuyan sa PSC.

Tags: Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)

You May Also Like

Most Read