Latest News

Bahagi ng DLSU, umusok

By: Baby Cuevas

Bahagyang nagkaroon ng tensyon ang mga estudyante ng De La Salle University matapos na umusok ang isang bahagi ng Medrano Hall nito, kahapon ng tanghali sa DLSU sa Taft Avenue, Malate, Maynila.

Gayunman, pinawi ng pamunuan ng DLSU ang pangamba ng mga estudyante ,faculty at mga magulang kaugnay ng usok na nakita, , dahil sa tuluyan na itong nakontrol.

Nabatid kay DLSU safety director Roxanne Oquendo na wala namang nasaktan ni isang estudyante at faculty na nataranta sa paglabas sa gusali.


Napag-alaman na alas-12 ng tanghali nang mamataan ang usok na nagmula pala sa airconditioning unit na nag- spark ang wire.

Inaasahang bubuksan rin ng DLSU ang Mendrano Hall sa mga estudyante.


Tags: De La Salle University

You May Also Like

Most Read