Latest News

BAHAGI NG BARANGAY HALL SA PANDACAN, NASUNOG

By: Baby Cuevas

Matapos umanong umapoy ang mga kawad ng kuryenteng nakatago sa kisame ng Barangay Hall ng Brgy. 837 Zone 91 na matatagpuan sa 2895 Road 2 Bo. Obrero Street, Pandacan, Maynila, nasunog ang isang bahagi ng barangay hall sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), napansin na umuusok at may apoy ang kisame ng Barangay Hall kaya kaagad tumawag ang mga gumagamit ng lugar sa BFP at gumamit na rin ng fire extinguisher.


Kaagad namang naapula ang apoy at walang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente at wala ring ibang nadamay na masunog.

Samantala, iniimbestigahan na ng BFP ang halaga ng napinsalang ari-arian.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read