Bahagi ng 6th floor ng Palacio del Gobernador, nasunog

By: Baby Cuevas

Nasunog ang nahagi ika-6 na palapag ng Palacio del Gobernador na tanggapan ng Bureau of Treasury (BOT) Lunes ng tanghali sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-12:39 ng tanghali na tumagal lamang ng tatlong minuto matapos ideklarang fireout alas-12:42 ng tanghali.


Itinuring naman ng BFP na isang ‘rubbish fire”ang naganap na sunog.

Napag-alaman na nagsimula ang sunog sa cooperative office ng BOT.

Kaagad napigilan ng safety teams ng mga ahensiyang may opisina sa lugar ang apoy bago pa man tuluyang lumaki.


Nagsagawa naman ng assessment ang BFP, dahilan para suspendihin ni Commission on Election Chairman George Garcia ang trabaho ng mga empleyado.

Tiniyak naman ni Comelec Spokesman John Rex Laudiangco na hindi naapektuhan ang ginagawang paghahanda sa BSKE election at maging ang trabaho ng mga empleyado ng Comelec.


Patuloy na iniimbestigahan mg BFP ang sanhi ng sunog.

Wala namang nasaktan o nasawi sa naganap na pagsiklab ng apoy sa lugar.


Tags: Palacio del Gobernador

You May Also Like