BAGYONG ‘OBET’ NAGBABANTA SA HILAGANG LUZON; DAMAGE NI NENENG NASA P440 MILLION NA

HABANG patuloy na nagbabanata ang Tropical Depression Obet taglay ang napanatili nitong lakas ng hangin sa Hilagang Luzon ay umakyat naman sa P440 million ang winasak ng bagyong Neneng sa agrikultura at imprastraktura ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon .

Base sa kanilang latest situational report, inihayag ng NDRRMC na umakyat na sa P366 million ang naging danyos ni Neneng sa agriculture at tinatayang nasa 14,500 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.


Sinasabing nasa 19,000 hektarya ng lupang pang agrikultura ang nasira sanhi ng mga pagbaha sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Hbanag nasa P1.8 naman ang nagging danyos sa livestock, poultry at fisheries , samantalang sa ang damage sa infrastructure ay tinatayang nasa P81.5 million. Nasa 34 public infrastructure ang nasira karamihan dito ay mga pangunahing lansangan.

Nasa 115 houses ang partially damaged at nasa 51 naman ang nawasak.


Walang inulat na nasawi o nawawala bunsod ng bagyong Neneng bagamat may inulat na dalawang nasugatan.

Nasa mahigit 50,000 families, o 175,000 individuals ang inulat ng NDRRMC na naapektuhan ng nagdaang bagyo. Sa nasabing bilang nasa 163 families or 578 katao ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers.


Samantala, inihayag naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo Obet sa layong 1,025 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.


Kumikilos ito nang pahilaga , hilagang kanluran sa bilis na 15 kph. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Tropical Depression Obet

You May Also Like