BAGONG PROTOCOLS SA NAIA, INILABAS NG NNIC

By: Jerry S. Tan

Nagpalabas ng bagong protocol ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), para sa mga ‘courtesies and accommodations’ para sa mga Very Important Persons (VIPs), Important Persons (IPs) at mga pasaherong nagre-request ng VIP treatment sa airport.

Ayon kay NNIC general manager Lito Alvarez, ang bagong protocol na magiging epektibo kaagad, ay inaasahang iwasan ang maling paggamit ng VIP courtesies na ibinibigay sa paliparan.

“Our ultimate goal is to create a seamless and efficient airport experience where the need for VIP treatment, beyond what is necessary for dignitaries and those with critical functions, becomes unnecessary. We want every traveler to enjoy an effortless journey through NAIA, regardless of their status,” ayon pa kay Alvarez


Ang VIP privileges, na para sa mga dignitaries at iba pang ‘important individuals’ ay dating nagagamit kapag nagbayad ng P800.

Gayunman, may mga lumalagpas umano sa regular airport procedures na posibleng makalikha ng problema sa seguridad, operational inefficiencies at di patas na advantage sa mga kayang magbayad ng P800.

Binigyang-diin ng NNIC na bukod sa mga nasabing isyu, ang hakbang ay naglalayong paigtingin ang seguridad, i-optimize ang logistics at i-minimize ang abala sa mga pasahero, personnel at and airport users. Layon din umano nito na ihilera ang NAIA sa ‘international best practices and standards’ na itinakda ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Para na din sa kaalaman ng publiko, ang mga pangunahing pagbabago ng protocols ay kinabibilangan ng sumusunod: VIP courtesies at accommodations ay eksklusibong hahawakan ng NNIC VIP Assistance Personnel; ang mga di pasahero ay di na papayagan na magbigay ng meet-and-greet services o sumama sa mga papaalis na VIPs at IPs; ang VIP entourages ay lilimitahan sa essential personnel upang tiyakin ang mas mabuting pag-proseso at bawasan ang anumang abala; at ang access/annual passes na dati nang inisyu para sa ‘facilitation purposes’ ay pag-aaralan nang ‘per case basis’ at papalitan na ang dating annual pass system.


Upang maiwasan ang ‘non-essential use’ at i-manage ang demand, magtatakda umano ang NNIC ng mga fees para sa mga pasahero na hindi classified bilang VIPs o IPs pero nangangailangan ng parehong serbisyo gaya ng international at iba pang high-profile passengers.

“This is consistent with global practices at major airports where premium services are priced at a higher rate, to limit requests while ensuring availability for those who really require them. NNIC will continue to provide secure and efficient travel service for VIPs and IPs, which include high-ranking officials, dignitaries, and foreign representatives,” ayon pa sa NNIC.

Ang VIP courtesies umano ay ibinibigay sa ilalim ng mga sumusunod na dahilan: “high-ranking officials often require enhanced security measures to mitigate potential threats; providing courtesies to foreign dignitaries is standard diplomatic practice and follows national protocol; expedited processing for travel is necessary for officials with critical responsibilities to the nation.”

Binibigyang-diin ng NNIC, na pinamumunuan ni Ramon S. Ang bilang pangulo, na ang mga bagong protocol ay magbibigay prayoridad sa mas magaling at patas na serbisyo para sa lahat ng pasahero.


Ang ‘premium services’ ay magiging available umano kapalit na bayad pero ang layunin nito ay upang mabawasan na ang pangangailangan ng mga nasabing assistance, sa pamamagitan ng mas pinabuting airport processes.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read