Bagong pasyente ng mpox, taga-NCR

By: Philip Reyes

ISANG bagong kaso ng monkey pox o ‘mpox’ ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa at ito ay taga-National Capital Region (NCR).

Napag-alaman na dahil dito ay umabot na sa 10 ang caseload ng nasabing sakit.


Noong Agosto 18 nang maitala ang unang kaso ng mpox ngayong taon, habang ang pinakahuli ay Disyembre 2023 pa.

Ang bagong pasyente ng mpox (dating monkeypox) na naitala ay kinumpirma mismo ni DOH Secretary Teodoro Herbosa.

Aniya, ang 33-anyos na lalaki na nakumpirmang nahawahan ng mpox ay residente ng Metro Manila.


Ayon sa DOH, walang travel history ang pasyente ngunit nagkaroon naman ng close o intimate contact, tatlong linggo bago siya nakitaan ng mga sintomas ng sakit.

“Symptoms started more than a week ago with fever, which was followed four days later by findings of a distinct rash on the face, back, nape, trunk, groin, as well as palms and soles,” ayon pa sa DOH.


Ani Herbosa, sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng contact tracing efforts upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon mula sa ika-10 kaso ng laboratory-confirmed mpox na naitala sa bansa.

Sa datos ng DOH, ang huling kaso ng mpox sa bansa ay naitala nila noong Disyembre 2023 pa at ang lahat ng siyam na kaso ng sakit ay kaagad nilang na-isolate, naalagaan at pawang nakarekober na.


Dinala umano ang pasyente sa isang government hospital kung saan kinolekta ang specimen at sinuri sa pamamagitan ng real-time polymerase chain reaction (PCR) test at nag-positibo siya saMonkeypox viral DNA.

Idineklara ng World Health Organization (WHO) noong nakaraang linggo na ang mpox ay isa nang global public health emergency.



Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read