HAWAK na ngayon ng Philippine National Police deputy chief for operations ang pangalawa sa pinakamataas na puwesto sa PNP hierarchy, matapos na opisyal na mag-retiro nitong Sabado si Lt. Gen. Emmanuel Peralta na siyang PNP Chief for Administration.
Umangat sa pagiging ‘number two man’ ng Philippine National Police (PNP) si Police LT Gen Michael John Dubria.
Kasunod ito ng inilabas na general order ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na nagtatalaga bilang Officer-In-Charge (OIC) kay PNP Deputy Chief for Administration (DCA) kay PLt. Gen Dubria.
Bago naging OIC, si Dubria ang ‘number three man’ ng PNP dahil sa pagiging Deputy Chief for Operations nito.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, habang OIC ng DCA si Dubria ay hahawakan pa rin nito ang pwesto ng Deputy Chief for Operations (DCO).
Nitong Sabado ay opisyal nang nag-retiro sa serbisyo bilang ‘number two man’ ng PNP si Peralta matapos maabot ang ‘mandatory retirement age’ na 56- anyos.