BAGONG MISSILES MULA ISRAEL, BABASBASAN

NAKATAKDANG pabasbasan ngayon ng Philippine Navy ang dalawa sa siyam na bagong fast-attack interdiction craft-missiles (FAIC-Ms) na binili mula sa Israel Shipyards Limited.

Ayon kay PN spokesperson Commander Benjo Negranza, “The PN’s FAIC-Ms will be christened with CSAFP (Chief-of-Staff Armed Forces of the Philippines) Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro as the keynote speaker and Soledad Bacarro as sponsor.”


Isasagawa ang pagpapasinaya at pagbabasbas Sept 6, 2022 ng umaga sa Commodore Divino Pier, Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila.

Ang dalawang FAIC-Ms ay isinakay sa cargo ship at bumiyahe papuntang Pilipinas mula Haifa, Israel nitong nakalipas na buwan.

Matapos ang christening ceremony ng dalawang naunang 2 FAIC-Ms ay pormal itong iko-commission sa Philippine Navy bilang BRP Nestor Acero (PB-901) at BRP Lolinato To-ong (PB-902).


Ang apat na FAIC-Ms ay amado ng non-line-of-sight missiles with pinpoint accuracy sa layong 25 kilometers habang ang iba naman ay kakabitan ng machine guns at light automatic cannons.

Ang pagbili sa along FAIC-M units ay kabilang sa 2019 projects na inaprubahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Horizon 2 List ng Revised Armed Forces of the Philippines modernization program.


Ang FAIC-M project ay nagkakahalaga ng P10 billion, na inisyu nuong January 5 ng nakalipas na taon.

Ang FAIC-Ms ay magsisilbing kapalit na pwersa ng patrol killer medium (PKM) or medium-sized patrol craft.


Oras na makumpleto ang deliveries ng FAIC-Ms ay kakayanin nitong hadlangan ang surface threats at maglunsad ng non-line-of-sight missiles safely gamit ang mga nakapalibot na littoral area bilang maneuver space at cover. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: PN spokesperson Commander Benjo Negranza

You May Also Like