Latest News

Bagong-laya sa NBP, gumagalang ‘akyat-bahay’ sa Tambunting

By: Baby Cuevas

Nagpahayag ng pangamba ang ang mga residente ng Tambunting sa Maynila dahil sa gumagala sa kanilang lugar ang isang kalalaya lamang na Person Deprived of Liberty (PDL) mula sa National Bilibid Prison(NBP) at nanloloob umano sa mga bahay-bahay.

Nakita sa CCTV ng Barangay 375 na ilang beses nakunan ang pagpasok sa lugar ng suspek na si Mario Acer y Marquez at paglabas nito na may tangay na cellphone, pitaka na may pera at bisikleta.


Humingi ng tulong ang mga residente ng Tambunting na maaresto ang suspek na umano’y nagbabanta pa sa mga taga-Tambunting na susunugin ang lugar at mayroon umano siyang papatayin.

Nalaman sa record ng NBP na kalalaya lamang ni Acer noong Oktubre 27,2023 kung saan nakulong ito noong Mayo 8,2018 sa kasong grave threat in relation to RA 10591.

Si Acer ay nakalaya matapos na mapagsilbihan ang kanyang maximum sentence.


Napag-alaman na ang Tambunting ay sakop ng Manila Police District -Station 3.


Tags: National Bilibid Prison(NBP)

You May Also Like