Bagong laya, patay sa boga

By: Baby Cuevas

Patay sa boga ang isang 23 anyos na lalaking kalalabas pa lamang sa detention facility ng Manila Police District -Police Station 6 matapos pagbabarilin ng dalawang suspek, habang nasa loob ng isang barung-barong sa 2820 New Panaderos St. Sta. Ana, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSg Arvy Macarasig, ng Manila Police District -homicide section, magsisimula na umano mag-inuman ,ang biktimang si March Vicent Sanchez, residente ng nabanggit na lugar ng dumating ang dalawang di nakikilalang suspek at saka pinagbabaril ang biktima na tinamaan ng bala sa iba’t -bang bahagi ng katawan. Naisugod pa ang biktima sa Sta. ana Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.


Sa impormasyong nakuha ng pulisya, kalalabas lamang ng biktima sa detention facility ng MPD-PS matapos na maaresto sa kasong may kinalaman sa RA 9165.

Gayunman, hindi pa rin tumigil ang biktima sa iligal na gawaing may kinalaman sa kalakalan ng iligal na droga na hinihinalang dahilan kung bakit siya pinaslang.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa naganap na krimen.


Tags: Manila Police District-Police Station 6

You May Also Like