Bagong kaso ng COVID-19 sumadsad sa 1,229

Bumaba pa sa 1,229 ang naitalang bagong kaso ng COVID 19 hanggang nitong Sabado habang nasa 17,123, ang aktibong kaso ng COVID19.

Lumabas sa datos ng Department of Health(DOH) apat na sunod-sunod na araw na nasa 1,000 ang bagong impeksiyon.

Sa loob nang dalawang nakalipas na.linggo ,ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamataas na impeksiyon na 3,666.


Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,262 kaso; Western Visayas na may 1,543; Central Luzon na may 1,298; atCentral Visayas na.may 922.

Nasa 3,927,187 naman ang kabuuang bilang nang nakarekober sa virus at may 64,2140 ang kabuuang bilang ng nasawi


Ang national bed occupancy rate hanggang nitong Biyernes ay nasa 24.5%, na may 6,963 ang okupado at 21,468 naman ang vacant beds.


Tags: Department of Health(DOH)

You May Also Like

Most Read