Aabot umano sa 1,200 ang bagong kaso ng COVID-19 nitong Disyembre18 lamang..
Base sa pagtaya ng OCTA Research group, posibleng tumaas pa ito sa 1,200.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr.Guido David,ang bagong impeksiyon ay maaring umabot sa 1,000 hanggang 1,200.
Nabatid na nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,196 bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado at nasa 18,262 ang aktibong kaso.
Sinabi rin ni David na ang nationwide positivity rate ay umabot sa 12.5% kung saan sa National Capital Region(NCR) at naitala ang pinakamataas na bagong kaso ng COVID19 sa nakalipas na 2 linggo na umabot sa 5, 945 bagong kaso.
Ayon kay Health OIC Usec Maria Rosario Vergeire walang dapat ipangamba ang publiko sa nagaganap na pagtaas ng kaso ng COVID19.
Sumunod ang Calabarzon na may 2,498; Central Luzon na 1,222; Cagayan Valley with 716; atWestern Visayas na may 706. (Philip Reyes)