Tiniyak ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na susuportahan ng kagawaran Ang bagong hirang na Health Secretary Ted Herbosa .
“DOH commits to provide all- out support during this transistion. Maasahan Po ang acting bagong Kalihim, Secretary Ted, Ang taos pusong suporta ng buong DOH family, “ayon kay Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na ikinagagalak ng DOH, ang pagbabalik ni Herbosa sa kagawaran.
Si Herbosa ay dating Undersecretary ng Health and National Task Force (NTF) for COVID 19 ,kung saan siya ay naging adviser bago itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong Kalihim ng DOH kapalit ni dating Secretary Francisco Duque.