Latest News

Bagong COVID surge, posible pa rin — OCTA

POSIBLE pa ring magkaroon muli ng panibagong COVID surge kung hindi na susunod ang lahat sa ipinatutupad na ‘minimum public health protocols’ ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na bagama’t mas mababa na sa isanlibo ang iniiulat na arawang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw, maaari pa rin naman bigla itong magbago sa mga susunod na buwan.

“Technically, we can say the worst is over for now pero (but) things can still change,” ayon kay David sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.


Sa kanilang pagsusuri, karaniwang nagkakaroon ng surge makaraan ang kada tatlong buwan kaya maaaring maganap ito sa Abril o kaya sa Mayo.

Mangyayari ito kung mabibigo ang publiko na sumunod sa ‘minimum health standards’ tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay gamit ang alkohol at paglayo sa mga tao.


Maaaring magtulak rin nito ang mga malakihang pagtitipon ng tao tulad ng nagaganap na mga campaign rallies at pagbaba ng ‘immunity’ ng isang tao na ibinibigay ng bakuna.

Ngunit umaasa ang OCTA na patuloy pang bababa ang mga bagong kaso na magigign 500 na lamang sa katapusan ng Marso.


“Hindi pa tayo makapagsabi na endemic na if mataas pa ‘yong cases all over the world. We’re not independent or isolated from the rest of the world. Whatever happens outside the country will affect us at some point,” paalala pa ni David. (Carl Angelo)

Mga Katoliiko, hinimok ng CBCP na umiwas muna sa gadgets

Hinimok ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP),ang mga katoliko na iwasan muna ang paggamit ng mga gadgets at internet bilang sakripisyo ngayon panahon ng Lenten season.

Ayon kay Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr.,chairman rin ng CBCP Social Communications Ministry, ang pagsasakripisyo at pagsisi ngayon Lenten season ay bawasan ang pagkahilig sa mga bagay na gustong gustong gawin.

Kabilang na ang pav iwas muna bilang pagtitika sa mga gadgets, electronic devices, at access sa social media.

Naniniwala ang Obispo sa kahalagahan ng impormasyon paetikular na sa mga kabataan pero ang tunay na mediation ay i pokus sa Panginoon Hesus.

“Remind our youth that in sacrifice, we often see the strength to put something aside for reasons and now at Lent, it is important so that we could spend time to do more valuable things like praying which is a big thing for spiritual growth,” ani sa Obispo sa pahayag sa church-run Radyo Veritas.

Kasabay nito,umapela ang Obispo sa mga magulang at mga nakatatanda na bantayan ang mga kabataan para di sila mabiktima ng fake news.

“It’s a good challenge to keep gadgets away for us to be able to reflect, that our lives are not based on gadgets, which I think will strengthen our young people, especially in relationships within the family and society,” ani Maralit .

Sa pag-aaral na inilabas noong Pebrero 2021 ,ang mga filipino ay umuubis ng average na 4 na oras at 15 minuto kada araw sa social media na mas mataas sa 3 oras at 53 minuto noong 2020.

Habang ang global average ay 2 oras at 25 minuto.

Una nang sinabi ni Pope Francis na ang internet ay isang kapaligirana na sobra ng polluted ng verbal violence at nakakasakit na mga salita.(Philip Reyes)

Tags: OCTA fellow Dr. Guido David

You May Also Like

Most Read