Latest News

Bagong COVID-19 cases sa NCR, tumaas ng 7% — OCTA

TUMAAS umano ng 7% ,ang mga bagong kaso ng COVID19 sa National Capital Region(NCR).

Ito ang inihayag ni Dr.Guido ng OCTA Research Group sa kanyang Twitter account.


Sinabi ni Guido na ang average COVID-19 cases sa Metro Manila ay nasa 85 ngayon linggo.

Ito ay mas mataas sa 79 lamang noong nakaraang linggo.

“The NCR had a one week growth rate of 7% as the 7-day average in new Covid-19 cases increased from 79 (as of April 17 to 23) to 85 (as of April 24 to 30),” tweet pa ni David.


Kaugnay nito, ang reproduction number sa NCR ay tumaas rin sa 0.79 mula sa dating 0.66 sa kahalintulad na panahon.

Ang healthcare utilization para sa COVID-19 naman ay nananatili nasa very low sa 21% habang ang intensive care unit utilization ay nasa 19% naman.


“The positivity rate in the NCR remained at 1.4% over an average of 11,544 tests per day,” dagdag ni David.


Tags: OCTA Research Group

You May Also Like