Sinaksihan ng bagong itinalagang Commanding General ng Philippine Army, Lt. Gen. Roy M. Galido kasama si Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang ikatlong bahagi ng decommissioning process para sa mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ang armed combatant members ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ginanap sa Old Capitol, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Ayon sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na pinangungunahan ni Sec Carlito Galvez , nasa 1,301 na mga mga myembro ng BIAF, MILF ang isinalang sa decommissioning kasama ang kanilang gamit na aramas bilang bahagi ng nasabing proseso.
Dinaluhan din ni Secretary Antonio Ernesto Lagdameo, Jr., ang Special Assistant to the President ang nasabing aktibidad na siya ring panauhing pandangal at tagapagsalita. Sinabi nitong patuloy na tutulong ang gobyerno sa mga ito at hiniling na iwasan na ang anumang kaguluhan.
Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., ng OPAPRU aabot na sa 26 na libong combatant ang made-decommission matapos ang ikatlong bahaging ito.
Sinabi naman ni Ambassador Suat Akgun, ang Chair ng Independent Decommissioning Body, target nila na makumpleto ang decommissioning process bago ang gagawing kauna-unahang halalan ng BARMM sa darating na 2025 elections.
Tiwala naman si BARMM Chief Minister, Ahod Ebrahim, Al Haj, na sa pamamagitan nito ay patuloy na makakamit ng Bangsamoro ang kapayapaan sa bahaging ito ng Mindanao.
Ang decommissioning process ay bahagi ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng MILF sa inilatag na Annex on Normalization of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), na nilagdaan ng GPH at ng MILF noong 2014.
Dumalo din sina Maj. Gen. Antonio Nafarrete, Division Commande ng 1ID; GPH Implementing Panel Chair for the GPH-MILF Peace Accord retired Brig. Gen. Cesar B. Yano; Chair, MILF Peace Implementing Panel, Minister Mohaqher Iqbal; DA Asec Samsamin Ampatuan, PBGen. Allan C. Nobleza, Regional Director, PRO BAR at maraming iba pa.