Nagpasaklolo sa Supreme Court (SC) para mapalaya sina National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) spokesperson Lorraine Badoy at Sunshine Media Network International (SMNI) host Jeffrey “Ka Eric” Celiz, na idinetine ng House committee matapos na i-contempt.
Sa 34-pahinang petition for certiorari and issuance of a writ of habeas corpus, iginiit ng.mga petitioner na umabuso sa kanilang kapangyarihan ang House committee on legislative franchise at nilabag rin ang kanilang karapatan sa freedom of expression.
Ang petisyon sa SC ay inihain nila Walter Partosa, asawa ni Badoy at Rogilda Canilao Celiz, asawa naman ni “Ka Eric”.
Iginiit pa ng petitioner na kakaiba ang ginawang pag-detine kina Badoy at Celiz at walang legal foundation.
Kasama bilang respondent sa petisyon si House committee and House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas.
Una nang na-contempt ang dalawa dahil umano sa walang respeto at pagtanggi na sagutin ang mga tanong sa naganap na pagdinig ng Committee on Legislative Franchises kaugnay umano sa paglabag ng SMNI sa legislative franchise sa ilalim ng Republic at No. 11422.
Napag-alaman na isinangkot si Celiz sa umano’y paggastos ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng P1.8 bilyon sa travel expenses, bilang assertion pero kalaunan ay humingi ng paumanhin si Celiz at hindi ipinaalam ang kanyang source.
Si Badoy naman ay na-contempt dahil sa magkakaibang pahayag sa SMNI program.
Sa inisyal na pahayag,sinabi ni Badoy na siya ay blocktimer pero kalaunan ay co-producer, dahilan para magkaroon ng kuwestiyon sa kanyang employment status.