Baclaran Church, idineklarang ‘most valuable cultural treasure’ ng National Museum

By: Carl Angelo

Idineklara ng National Museum of the Philippines (NMP) ang Baclaran Church bilang ‘most valuable cultural treasure’ ng bansa.

Ang nasabing deklarasyon ay ginawa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpapasinaya sa marker na nagtatalaga sa naturang simbahan bilang ‘important cultural property’ o ‘ICP.’

Ito ay nataon sa kapistahan ng Our Mother of Perpetual Help at pagdiriwang ng ika-75 taon ng Perpetual Help Novena sa Baclaran Church.


Kabilang sa mga dumalo sa seremonya ay ang NMP archeologist na si Dr. Mary Jane Louise Bolunia, Brazilian Fr. Rogerio Gomes; superior general ng Congregation of the Most Holy Redeemer, o Redemptorists; Fr. Rico John Bilangel, Rector ng Baclaran Church; at Fr. Raymond Urriza, superior ng Redemptorist Vice-Province ng Maynila.

Sinabi ni Bolunia na labis nilang ikinagagalak ang pagkakaloob ng karangalan sa simbahan na naging bahagi na ng ating kultura.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Fr. Gomes na ang pagtatalaga sa Baclaran Church bilang ICP ay hindi lamang dahil sa kahalagahan nito bilang physical heritage kundi maging sa ispiritwal.

Napag-alaman na ang ICPs, na inilalarawan bilang cultural properties na nagtataglay ng ‘exceptional cultural, artistic at historical significance,’ ay maaaring makatanggap ng subsidiya mula sa pamahalaan para sa preserbasyon at konserbasyon nito.


Tags: National Museum of the Philippines (NMP)

You May Also Like

Most Read