Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Drug Enforcement Unit (MPD-DEU) ,Ang Isang babaeng pusher at isa pang kasama nito, sa isinagawang buy-bust.operation kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila
Itinatayang nasa 50.11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,748,ang nakumpiska sa suspek na si Arlene Hipolan, alyas Boss,24, ng 960 Luzon St., Tondo, Maynila at sa kasama nitong si Kenjie Martin, 22, ng 1427 Algeciras St., Maria Clara Sampaloc, Maynila.
Naganap ang buy-bust operation alas-12:25 ng madaling araw sa Laon Laan corner Marzan Streets sa Sampaloc, Maynila.
Bukod sa shabu na nakalagay sa kulay brown na sling bag,nakuha rin sa suspek ang P500 marked money at P1, 000 cash
Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 na kilala bilang Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office.














