Babaeng ‘salisi’ sa fastfood, arestado sa MPD

By: Baby Cuevas

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang babaeng miyembro diumano ng ‘salisi gang’ na ang target ay mga gadgets ng mga estudyanteng kumakain sa loob ng isang fastfood chain sa Sampaloc, Maynila.

Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang di pa pinangalanang suspek na sinasabing kumuha ng gadgets kabilang na ang laptop at tablet ng dalawang estudyante na nagkakahalaga ng P80, 000.


Sa kuha ng CCTV, nakita ang pagmamanman muna ng suspek sa paligid ng fastfood chain at nang makitang walang nagbabantay sa mga gamit na nakapatong sa mga upuan ng kanyang target ay mabilis niyang dinampot ang dalawang bag at dali-daling lumabas.

Nakita rin sa CCTV, na nagmamadaling naglakad paalis sa fastfood chain ang suspek.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakuha ang black shoulder bag na may laptop na may halagang P51,000, isang passport at mga school supplies.


Napag-alaman na nagsagawa ng hot pursuit operation ang theft and robbery section at tracker team ng Crime Investigation Section ng MPD at doon ay nahuli ang suspek alas- 8 ng gabi malapit lang sa mga fat food chain kung saan ginawa ang krimen, partikular na sa Barangay 647 sa Maynila.

Kaugnay nito ay sinabi ni PEMS Laurencio Bernardo, deputy chief investigator ng Barbosa Police Station, na nag-oorder ang mga biktima sa fastfood chain nang masalisihan.


Hindi naman umano ito ang unang beses na ginawa ito ng suspek, dahil ginawa na rin niya ito sa isa pang fastfood chain pero wala siyang nakuhang gadget.

Nagbabala. naman si Bernardo sa publiko na huwag mag-iiwan ng gamit nang walang bantay.


Nahaharap sa kasong theft ang suspek.

Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read

Latest News