Latest News

BABALA VS MPOX VACCINES, INILABAS NG DOH

By: Philip Reyes

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa isang uri ng imported mpox vaccine na available na umano sa bansa.

Ayon sa DOH, nakarating sa kanilang kaalaman ang ulat na may organisasyon o mga indibidwal na nag-aalok ng naturang imported mpox vaccines.


Babala naman ng DOH, ang mga naturang bakuna ay ipinasok sa bansa nang hindi dumadaan sa kanilang ahensiya at maging sa Food and Drug Administration (FDA), kaya’t kaduda-duda ang bisa at kaligtasan nito.

“It has come to the attention of the Department of Health (DOH) that there may be organizations or individuals offering supposed Mpox vaccines ‘imported’ from abroad,” ayon sa health advisory ng DOH.

“The public is cautioned against availing such vaccines,” anang DOH. “They have been brought into the country without the careful attention of regulatory agencies like the DOH and its Food and Drugs Administration,” dagdag pa nito.


Ayon sa paliwanag ng DOH, ang mpox vaccines ay nangangailangan ng maayos na storage at handling condition gaya ng cold chains.

Kung wala anila ang masusing pagbabantay ng DOH at FDA, walang paraan upang matiyak ang kaligtasan at bisa ng naturang bakuna.


Payo pa ng DOH, mas makabubuting mag-avail na lamang ng bakuna laban sa mpox sa sandaling nasa bansa na ito, upang magkaroon ng tunay, ligtas at epektibong bakuna.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read