Babala sa leptospirosis dahil sa bagyong Enteng, inilabas ng DOH

By: Philip Reyes

Nagpalabas ng babala sa publiko ang Department of Health (DOH) laban sa leptospirosis dahil sa malawakang pagbaha dala ng bagyong Enteng.

“Madumi ang tubig baha. Iwasan hanggat kaya. Hugasan ang katawan ng tubig at sabon pagkaahon. Anuman ang dahilan, basta napalusong, kahit walang sugat o nararamdaman, kumonsulta agad sa doktor o health center sa loob ng 1-2 araw,” ani Health Secretary Teodoro Herbosa.


Ayon sa pinakahuling epidemiologic data , nakapagtala ng mataas na kaso ng leptospirosis matapos ang pagbaha kailan lamang dala ng bagyong Carina at habagat.

Npag-alaman na hanggang nitong Agosto 17,2024 ay nakapagtala na ang DOH ng may kabuuang 3,785 kaso ng leptospirosis sa bansa. Ito umano ay 5% namas mataas sa 3,605 kaso na naitala sa kaparehas na panahon noong 2023.

“Mayroon pa ring antibiotic prophylaxis (pag-iwas), at libre ang konsulta at reseta sa government health center. Naka price-freeze pa rin ang mga gamot kasama ang Doxycycline sa mga lugar na tinamaan noon ng bagyong Carina, hanggang September 23. Kumonsulta po tayo,” paalala pa ng Kalihim.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Latest News